Condom laban sa STD
Alam nating ang condom ay ginagamit bilang proteksiyon kung ayaw nating mabuntis o makabuntis at para hindi mahawa sa mga sexually transmitted decease o STD.
Ngunit hindi garantiyang maproprotektahan tayo ng condoms ng 100% laban sa mga virus na puwedeng mapasa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact tulad ng herpes at HPV.
May bagong gawang condom na lumabas noong nakaraang taon sa Australia na maaaring magbigay ng higit na proteksiyon.
Ang VivaGel condom ay tulad ng regular na condom ngunit na dagdag na lubricant na may 0.5 percent astodrimer sodium (o VivaGel), na nakita sa mga lab tests na nagi-‘inactivate (oo inactivate) ng 99.9 percent of ng HIV, HSV (herpes simplex virus).
“When it comes into contact with those viruses in either semen or in vaginal secretions, it can inactive them,” sabi ni Jackie Fairley, chief executive officer ng Starpharma, ang pharmaceutical company na gumawa ng VivaGel.
Kung epektibo ang condom na ito, ‘di hamak na mas magiging protektado ka sa paggamit ng condom na ito lalo na kung sexually active.
Kahit ang mga STDs na puwedeng makuha sa skin-to-skin contact ay maaari kang maproteksiyunan.
“The appeal was almost as strong across all age groups and relationship statuses,” sabi ni Fairley. “Physical barrier alone is the best we have right now, but it could be better.”
Gayunpaman, walang bagay na perpekto at hindi rin perpekto ang condom na ito.
Ayon sa mga eksperto, ang naturang karagdagang lubricant ay may potential side effects.
Ayon kay HPV researcher Anna-Barbara Moscicki, M.D., isang pediatrics professor sa University of California, San Fransisco, na pinag-aralan ang VivaGel bilang intravaginal cream at nakita niya na naging sanhi ito ng mild irritation at inflammation sa mga test subjects.
Gayunpaman, sa kanyang ginawang reseach ay gumamit siya ng 3 percent concentration ng Vivagel habang ang bagong condom ay may 0.5 percent lang.
- Latest