^

Para Malibang

Paano magpahinog ng saging sa loob lang ng 5 minuto?

Pang-masa

Isa sa hilig ng mga Pinoy ang pagluluto at pagbi-bake. Para sa iba kasi ay nakatatanggal ito ng pagod at stress. Bukod sa siguradong masaya pa ang tiyan mo kung masarap ang iyong maluluto.

Saging ang isa sa madaling ingredient sa pagbi-bake. Puwede kang makagawa mula dito ng banana bread, banana cupcake, banana tart, banana puff pastry, at marami pang iba.

‘Pag kulay green pa ang saging, ibig sabihin ay hindi pa ito maaaring kainin. Bukod sa hindi pa matamis, may kakaibang texture rin ito na iniiwan sa ating bibig.

Sa paggawa rin ng banana bread kailangan mo ng hinog na hinog na saging, ‘yung tipong halos mabubulok na. Pero paano kung kating-kati ka na at gusto mong mag-bake ng banana bread kahit hindi pa hinog ang saging na nabili mo?

Ang pinakamadaling paraan ng pagpapahinog ng saging ay pag-bake nito sa oven. Oo, pag-bake nga! I-set lang sa 350 degrees ang oven at i-bake ito. Makaraan ang lima hanggang pitong minuto ay mayroon ka nang overriped bananas na siyang masarap gawing banana bread.

Hindi ka na maghihintay ng kung ilang araw bago lang makapag-bake, siguradong hindi pa pilit at masarap ang lasa ng magagawa mong tinapay.

Huwag lang magugulat dahil magiging kulay itim ang balat ng saging pagkalabas ng oven. Pero ‘wag mag-alala, hindi nakaaapekto ang pangingitim ng balat ng saging sa lasa nito. Magiging matamis na matamis din ang saging pero malambot na malambot na ito at halos maaari nang kutsarain.

Enjoy sa pagpapahinog n’yo ng saging sa oven. Burp!

ANG

BAKE

BANANA

BUKOD

HINDI

HUWAG

MAGIGING

MAKARAAN

OO

PERO

SAGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with