^

Para Malibang

Anong gamot sa pagiging ulyanin?

Pang-masa

Ang pagtawa ay paraan din ng pakikipag-usap na mahalaga sa ating kalusugan. Tuwing tumatawa ang nanay lumalakas ang bonding nila ng baby niya sa kanyang sinapupunan. Kahit ngayon ang ating utak ay may antena na nahahawa kapag ang nasa paligid natin ay natatawa rin.

Kapag tayo ay tumatawa sumasabay ang body mechanism mula sa ating brain, paghinga, facial expression, pati na rin ang mga muscles natin sa ating kamay, braso, at mga bintin. Tumataas din ang energy level kapag humahalakhak na pati na rin ang heart rate ay lumalakas mula 10-20%. Kaya naman nakaka-burn ng 10-40 calories sa pagtawa natin ng 10 -15 minuto lalo na kung aabutin ng isang oras ang tawanan.

Mas lumalalim at tumatagal din ang pagsasama ng mag-partner kapag kapwa sila palangiti at ginagawang patawa o pabiro ang kanilang pag-uusap.

Malakas din ang atraksyon sa mga lalaki ang mga babaeng masayahin, pala­ngiti, o bungisngisin. Ang pagtawa ay nagpapababa ng stress hormone cortisol na nagpapagana o nagpapalakas naman ng memory ng isang tao lalo na sa matatanda na nagiging ulyanin. Madali ring makatulog at nagpapalakas ng immune function tuwing tayo ay tumatawa o masaya sa maghapon.

Samantalang nagiging positibo naman ang ating pakiramdam, nagpapayaman at ginagamot din ang anomang pisikal, emosyonal, social, spiritually nating panga­ngailan kapag nadaan sa pagtawa ang simpleng bagay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATING

KAHIT

KAPAG

KAYA

MADALI

MALAKAS

SAMANTALANG

TUMATAAS

TUWING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with