Bakit hindi ka ma-promote sa trabaho?
Kung nagtatrabaho ka naman ng maayos at nagtataka kung bakit hindi napapansin ang effort mo at tila hindi nabibigyan ng reward, hindi ka ma-promote, at lalong walang dagdag na sahod. Madaling mag-akusa sa iyong trabaho o sa iyong boss na feeling mo ay biktima ka ng politika o pakiramdam mo ikaw ay sinabotahe.
Ang rating sa iyong performance ay isang parte lang ng evaluation mo. Ang appearance at work attitude mo ay mas tinitimbang ng kompanya kung magdedesisyon silang i-promote ka o hindi.
Sa survey ng mga human resource managers, marami pang puntos ang tinitingnan lalo na ang pagiging professional mo sa trabaho. Ilan sa mga halimbawa ay kung paano ka magtrabaho: Negative o positive ba? Lagi ka bang late pumasok? Maagang umaalis sa opisina? Laging kang sick leave? Nagsasayang ng oras lalo na sa iyong personal na bagay tulad ng panay ang text mo; tawag nang tawag na hindi related sa trabaho? Mas madalas ang break mo para magsigarilyo. Bad shots ka ba dahil sa ugaling mong tsismosa; nagsi-side line ng ibang trabaho during office hours; malinis ka bang magtrabaho o iniiwan mo lang ang kalat mo?
Pag-isipan kung ang mga bagay na ito ang hadlang kung bakit hindi ka ma-promote sa iyong trabaho. Pagkatapos ay gawan mo ng remedyo ang sarili para makuha mo ang inaasam mong puwesto sa iyong ginagalawang trabaho.
- Latest