Bakit may amoy pagkatapos mag-sex?
Kahit anong hugas at ligo mo, minsan ay mangangamoy pa rin ang iyong ‘private area’?
Hindi maiwasang nakakaasiwa, nakakahiya, nakakailang lalo na kung oras na ninyong mag-lovemaking ng iyong partner. Hindi ka rin kumportable kung ikaw ay may katabi o kausap na up close and personal.
Maraming bagay na hindi ninyo alam na nagiging sanhi ng vaginal odor.
Natalakay na natin ang tungkol sa condom, douching, sobrang dalas ng paghuhugas, pagpapawis, masikip na kasootan, napkins/tampons, pagsusuot ng underwear sa gabi, paggamit ng scented body wash, laundry detergent, makapal na pubic hair at pagsusuot ng svcentetic materials.
Narito ang iba pang bagay na puwedeng maging dahilan ng vaginal odor.
MAAANGHANG NA PAGKAIN-Base sa isang research, ang mga pagkain na maaanghang ay maaaring maging sanhi ng pagdami ng vaginal discharge na nagiging nagdudulot ng vaginal odor.
SEX- Mapapansin ninyong nagkakaroon ng vaginal odor pagkatapos makipag-sex. Ito ay dahil ang pH levels ng semen ay nakakasira sa natural balance ng mga bagay-bagay sa vagina.
DIET- Para magkaroon ang vagina ng beneficial flora, kailangang magkaroon ng healthy diet. May effect din kasi ang ating mga kinakain sa ating katawan. May mga pagkain at inumin na sumisingaw sa ating katawan na nagdudulot ng kakaibang amoy kabilang na ang ating vagina. Ikonsidera ang pagkain ng yogurt. Ayon sa isang research, nakatutulong ito para mawala ang masamang amoy.
- Latest