^

Para Malibang

Kakaibang kare-kare pasta ng Vine cafe, panalo sa lasa!

Pang-masa

Medyo magpakasosyal naman tayo ngayon, kaya pasta ang ating irerebyu. Nakatikim na ba kayo ng Kare-kare pasta, eh ng Sisig pasta kaya? Kakaiba ‘di ba?

Isang bagong bukas na café sa lungsod ng Pasig ang aming binisita kamakailan lang. Kakaiba ang konsepto ng Vine café kaya naman siguradong papatok ito hindi lang sa mga mahilig kumain kundi sa mga mahilig magbasa at mag-selfie. Oo, selfie nga! Ang dami kasing magandang spot sa café na ka-selfie, selfie. Ang mga lamesa at upuan dito ay puno ng artworks. Maging ang mga dingding ay pinintahan ng grupong ARTipolo, isang art group mula naman sa Antipolo, Rizal. Ultimo banyo ng café ay ang gaganda ng nakapinta.

Isa sa mga highlight ng Vine café, bukod sa mga painting na naka-exhibit ay ang mini-library sa second floor. Kakaiba ang bookshelf na bidang-bida sa library, hugis bulaklak ito at talagang kaakit-akit! May mga throw pillows sa sahig na puwedeng tambayan at maaari rin kumain dito. Ideal ang spot na ito sa mga grupo o pamilyang pupunta.

Balik tayo sa ating irerebyu, natikman ng inyong lingkod ang tatlo sa kanilang kakaibang pasta - ang Pomodoro (red sauce), Eat Me If You Kare (Kare-kare pasta), at Sisig Me Softly (Sisig pasta).

Kare-kare pasta ang ating irerebyu dahil isa ito sa paboritong ulam ng mga Pinoy. Nakakatuwang isipin na ang isa sa mga paboritong ulam ay nasa pasta na rin.

Pagdating ng order ko, ang sarap agad nitong kunan ng picture at i-upload sa social media. Sa unang tingin ay parang pancit palabok ito dahil sa kulay ng sauce. May pechay, alamang, at ang orange sauce ay mukhang kare-kare talaga. Hindi ko lang sigurado kung may peanut butter ang sauce dahil hindi ito mas­yadong malasahan. Pero masarap ang kombinasyon ng sauce sa alamang na may karne. May kasamang toasted bread ang serving nila ng kare-kare pasta na malasang-malasa ‘di tulad ng isine-serve ng ibang kainan. Masarap ang pagkaka-toast nito at mabango ang herbs na ginamit. Mapapaisip kang um-order pa ulit dahil nakakaadik ang lasa!

Kaya naman ang ibibigay ko sa Eat Me If You Kare pasta ng Vine café ay 5 out of 5.

Matatagpuan ang Vine café sa 4A P. Burgos St. Brgy San Jose, Pasig City. Bukas ang 4A P. Burgos St. Brgy. San Jose, Pasig City mula Martes hanggang Sabado, 2:00 -10 p.m. at Linggo ng 9 a.m. to 10 p.m.

Para sa mga katanungan at suhestiyon maaaring mag-email sa [email protected]. Burp!

ANG

ATILDE

BURGOS ST. BRGY

BURGOS ST. BRGY SAN JOSE

CAF

EAT ME IF YOU KARE

KAKAIBA

KARE

MGA

PASIG CITY

PASTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with