^

Para Malibang

Bakit mas mainam matulog ng walang panty?

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Napapansin n’yo ba mga Ate, kahit anong hugas at ligo mo palagi, minsan ay may amoy pa rin ang iyong ‘private area?’ 

Nakakaasiwa, nakakahiya, nakakailang ‘di ba lalo na kung kasama mo ang iyong partner at may ‘balak kayong gawin o kaya ay may katabi ka o kausap na up close and personal.

May mga bagay na hindi ninyo alam na nagiging sanhi ng vaginal odor.

Natalakay na natin ang tungkol sa condom, douching, sobrang dalas ng paghuhugas, pagpapawis, masikip na kasootan, napkins/tampons.

Narito ang iba pang bagay na puwedeng maging dahilan ng vaginal odor.

Pagsusuot ng underwear sa gabi- Ipinapayong matulog ng nakahubad o kung hindi naman ay huwag mag-underwear nang sa gayon ay mapres­kohan ang vagina. Masarap naman matulog ng presko ‘di ba.

 Scented body wash- Maaari ring maging sanhi ng pangangamoy ng vagina ang  paggamit ng scented body wash o scented lotion sa vaginal area.

Laundry detergent- Ang mga sabong panlaba na matatapang ang amoy pati na ang mga fabric softeners ay maaa­ring makairita sa vagina na siyempre magiging sanhi ng pa­ngangamoy. Kung may allergy sa ginagamit na sabong panlaba, gumamit ng unscented detergent sa paglalaba ng underwear.

Makapal na pubic hair - Ang makapal na pubic hair ay maaari ring maging sanhi ng panga­ngamoy ng vagina kaya ipinapayong i-trim, i-wax, o i-shave ito. 

Synthetic materials - Ipinapayong gumamit na panty na ang tela ay cotton. Ang mga synthetic materials kasi ay hindi nakakadaloy ang hangin kaya mas magpapawis ang vaginal area na magi­ging sanhi ng pangangamoy.

ACIRC

ANG

IPINAPAYONG

MAAARI

MAKAPAL

MASARAP

NAKAKAASIWA

NARITO

NATALAKAY

PAGSUSUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with