Gusto mong Gumaling ang Back Pain?
… pero ayaw mo namang uminom ng pain reliever. Anong gagawin mo?
Gawin ang Sukha-sana or the Easy Pose. Ito ang best yoga asanas para marelaks ang isipan at katawan at malunasan ang lower back pain.
Paraan:
1---Umupo nang nakatuwid ang gulugod. I-cross ang legs kagaya ng nasa larawan. Minsan ay tinatawag itong “Indian sit”.
2---Ang hintuturo at hinlalaki ay pagdikitin ang dulo. Gawin ito sa parehong kamay. Ipatong ang mga kamay sa tuhod. Dapat ay nakatihaya (face-up) ang kamay.
3---Pumikit. Mag-concentrate sa iyong paghinga. Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 5 minutes. Gawin ito araw-araw.
Benepisyo: 1) nakakarelaks ng katawan at nagpapakalma ng isipan 2) naisasaayos ang alignment ng balakang 3) nahihigit at naitutuwid ang gulugod. 4) pinapaluwang ang chest at collar bones 5) naitatama ang masamang posture
Warning: Huwag gawin ang sukhasana kung may injury sa tuhod.
- Latest