Nakakasabay ka ba sa henerasyon ngayon?
Karamihan ang generation gap ay sa pagitan ng pagkakaiba mula sa gawain at paniniwala ng mga kabataan kumpara sa mga taste o opinyon ng mas nakatatandang henerasyon.
Malaki ang role ng generation gap pagdating sa business at lipunan. Kinakailangan ng mga kompanya na mabalanse ang pangangailangan at pananaw mula sa iba’t ibang edad ng grupo mula sa kasarian at kultura ng mga henerasyon. Nangibabaw ang mga generation sa lahat ng period ng ating kasaysayan na mas pinalawak pa sa pagitan ng 20th at 21st century.
Tingnan kung saang henerasyon ka kabilang:
Greatest Generation - Ang mga taong ipinanganak bago ang taong 1946 ay tinawag na The Greatest Generation. Sila ay nakaranas ng World War II. Tinawag silang “great” o dakilang tao dahil sa nalampasan nila ang hirap at pagtitiis sa kalupitan ng giyera. Dumanas din sila ng pagmamalupit sa panahon ni Hitler na dumaan sa period na tinawag ding “Great Depression” na kilalang G.I Generation. Ang mga katangian nila ay pagi-ging makabayan, matitipid, konserbatibo mataas ang obligasyon sa moralidad, at nagpapahalaga sa pera dahil na rin sa mga pinagdaan nilang hirap sa giyera.
Baby Boomers- Kapag ikaw ay ipinanganak sa pagitan ng 1946 at 1964 ay kasali ka sa The Baby Boomers. Sa pagtatapos ng World War II, isinilang ang mga sanggol na tinatayang 77 million babies ang bilang sa Amerika pa lamang, kaya tinawag na ‘baby boomer’ ang heneras-yong ito.
Generation X -Ito ang mga taong isinilang mula 1965 at 1979. Minsan tinatawag din silang “lost” generation dahil lumaki ang mga bata na walang supervision ng mga matatanda. Sa panahong ito gumaganda ang takbo ekonomiya at ka-lakalan sa buong mundo kaya lumaki lamang ang bata sa mga daycare o mga yaya nila. Sa U.S. ang mga bata ay na-exposed sa divorce nilang mga magulang dahil sa kabisihan ng kanilang mga parents. Ang mga bata ay mabilis din nag-mature na naimpluwensyahan ng tinatawag nilang “worst music” dahil walang nagbabawal o tumitingin sa kanilang matatanda. Pero ang Gen Xers ay naging determinado na bumuo ng matatag na sarili nilang pamilya. Sa era rin ito nagsisimulang ang kaalaman ng tao sa techonolgy at computer age.
Generation Y – Ang kabataang ipinanganak mula 1980s -1990s ay tinatawag ding millennial generation. Tinawag silang Gen. Y dahil sila ay “echo boomers” ng Gen. X, anak sila ng mga “baby boomers” na lumaki rin sa information age na nakasalalay ang takbo ng buhay sa media. Sa Gen Y, ito ang mga panahon ang mga kabataan ay may access sa techonology tulad ng computer, cell phone, computer games, at kabilang sa mga Internet generation ngayon. Sa negative side, sinasabing ang mga bata ngayon ay tamad, “narcissistic” mga kabataang gandang-ganda at bilib na bilib sa sarili. Hindi rin sila nagtatagal sa iisang trabaho. Sa research, ang trend sa mga kabataan ngayon ay nakatuon sa pera, fame, image, at masyadong nakapokus sa material na bagay. Kaya tinatawag silang “generation me”.
Generation Z – 2013 – 2020- Mas mataas ang exposure ng mga bata ngayon pagdating sa techonolgy. Ang Gen Z kids ngayon ang mga hinuhubog na susunod na henerasyon na lumalaki sa highly sophisticated media, computer environment, at mas mabilis na access sa Internet world.
- Latest