^

Para Malibang

Huwag hahaluan ng gatas ang tsaa

ABH - Pang-masa

1 - Kung gusto mong makuha ang full health benefit ng tsaa, inumin ito nang walang gatas. Ang tsaa ay may catechin na nagpoprotekta para maiwasan ang sakit sa puso. Ano ang epekto ng gatas sa tsaa? Ang gatas kasi ay may casein. Kapag napahalo ang casein sa tsaa, ang concentration ng catechin ay htumihina kaya hindi na makatutulong para labanan ang sakit sa puso. Walang problema kung ang ihahalo sa tsaa ay calamansi at honey.

2 - Upang mapigang mabuti ang juice ng lemon, pagulungin muna ito sa mesa sa tulong ng iyong palad. Idiin ang palad sa lemon habang pinagugulong ito hanggang sa lumambot ito.

3 - Pagkatapos mong mabisto ang butas na dinadaanan ng daga papasok sa inyong bahay, ganito ang gawin-Lagyang ng black pepper powder ang butas na dinadaanan ng mga daga, 100 percent sure, hindi sila makakapasok takot sila sa amoy ng pepper powder. Siguraduhin lang na purong paminta ito.

4 - Matagal na mananatiling puti ang iyong canvas shoes kung pagkatapos bilhin ay ilulublob mo muna ito sa Liwayway gawgaw o kauri nito na tinunaw sa maligamgam na tubig. Patuyuin sa araw.

5 - Kung aksidenteng nag-apoy ang ibabaw ng iyong kawali na may mantika habang nagluluto : Patayin ang sindi ng stove. Sabuyan ng harina, baking soda, o asin ang ibabaw ng kawali. Huwag sasabuyan ng tubig dahil delikadong lumaki lalo ang apoy.

ANG

ANO

HUWAG

IDIIN

ITO

KAPAG

LAGYANG

LIWAYWAY

MATAGAL

PAGKATAPOS

PATAYIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with