^

Para Malibang

Pampasariwa ng nalantang gulay!

Pang-masa

Aminin mo, enjoy ka bang kumain ng lantang gulay mapa-salad man o sahog sa ulam? Eh ‘yung lupaypay na ang lettuce at brocolli sa salad mo? Hindi ba’t nakakawalang gana na nitong kainin?

Hindi nga naman kasi kaaya-aaya ang “texture” ng lantang gulay. Pero alam n’yo ba na walang pinagkaiba sa lasa ang gulay na fresh at nalanta na? Nakaaapekto lang sa ating “experience” sa pagkain ang “texture” kaya akala natin ay mas masarap ang fresh kesa sa lantang gulay.

Pero may magagawa pa ba tayo sa nalantang celery, brocolli, lettuce, asparagus, cauliflower, at spinach? Mare-revie pa ba natin ang pagkalutong ng mga ito? Ang sagot ay isang malaking OO!

Ang pagre-“re-fresh” ng mga nasabing gulay ay tulad ng pag-freshen up ng mga nalantang bulaklak. Pero hindi tulad ng sinasabi ng iba na lalagyan ng aspirin ang tubig na pagbababaran ha!

Narito ang sikreto para hindi masayang ang lantang gulay. Kung ang celery sticks ay may ugat pa, tanggalin lang ito pero kung wala naman ay i-trim lang ang bawat ilalim na bahagi ng celery stems. Pagkatapos, patayuin ang celery stems sa isang lalagyang may malamig na tubig. Hindi naman kailang ice cold water ang gamitin tulad ng nakasulat sa maraming cookbooks. At hindi na rin kakailanganing ibabad ang buong gulay sa tubig, ayos nang nakalublob ang pinakailalim na dulo nito.

Parang magic na mai­babalik ang freshness ng celery makaraan lang ang ilang minuto.

Tandaan, nalalanta lang ang mga nasabing gulay kapag masyado na itong na-dehydrate kaya kailangan lang nitong ma-rehydrate para bumalik ang pagkalutong at freshness ng mga ito. Burp!  Reference: www.culinarylore.com

vuukle comment

ACIRC

ANG

CELERY

GULAY

HINDI

LANG

NAKAAAPEKTO

NARITO

PAGKATAPOS

PERO

TANDAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with