Kaya mo bang harapin ang traydor mong kaibigan?
Ang kaibigan ay itinuturing na kayamanan, lalo na kung sila ay matapat at masayang kasama. Pero, hindi lahat ng kaibigan ay tapat, minsa’y meron din nagtatraydor na naninira sa iyo ng talikuran.
Huwag patulan ang “back figher” mong kaibigan. Panatilihin mo ang iyong ‘composure’. Magaling man silang mag-imbento ng kuwento na gustong kang inisin, huwag kang paapekto at pigilin ang sarili mo na magsasalita ng hindi maganda sa kanya.
Kung hindi mo kayang kausapin ng harapan ang traydor mong kaibigan, ipanalangin siya. Laging maging magiliw at suklian ng kabutihan ang kanyang ginagawa, kapag hindi ba natunaw ang matigas niyang puso laban sa iyo.
- Latest