^

Para Malibang

May Isa pang Gamit sa Washing Machine

ABH - Pang-masa

1-Kung may party sa bahay at puno na ang fridge, gawing cooler ang inyong washing machine. Malalim ang washing machine kaya may sapat na espasyo para sa maraming yelo, soda at beer. Mas mabilis pang linisin pagkatapos gamitin.

2-Minsan hindi sinasadyang naire-replay ng iyong kausap ang naikuwento na niya noon sa iyo. Mas mabait ang magiging dating mo kung hihintayin mong magsalita muna siya ng ilang segundo, saka mo sasabihing, “A, naalaala ko na ‘yan…”. Ang tendency ng nagkukuwento ay titigil siya at magtatanong sa iyo, “Naikuwento ko na ba ito sa iyo?”. Mas mabuti iyon kaysa patitigilin mo agad siya sa comment na : “Naikuwento mo na ‘yan”.

3-Kapag bibili ng Green o Red bell pepper (lara sa Tagalog): Kung may tatlong tambok sa ilalim, ito ay matamis at mainam na kainin o ihalo nang hilaw sa salad at sandwich. Tingnan ang larawan. Kung apat ang tambok sa ilalim, ito ay mas mainam na panghalo sa mga lutuin.

4-Para matanggal ang sebo sa giniling na beef/pork bago ito igisa: Ilagay sa kawali ang karne. Lagyan ng tubig. Mga one-fourth cup tubig sa bawat one fourth kilo ng karne. Pakuluan hanggang sa matuyuan ng tubig at magmantika ito. Tanggalin ang mantika saka ituloy ang paggigisa.
 

ACIRC

ANG

ILAGAY

KAPAG

LAGYAN

MALALIM

MGA

MINSAN

NAIKUWENTO

PAKULUAN

TANGGALIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with