Bakit ayaw ka nang kalabitin ni mister sa gabi?
Ang problema sa sex dulot ng stress ay resulta ng mga negatibong bagay.
Ang tatlong karaniwang sexual problems ay erectile dysfunction, premature ejaculation, at panlalamig sa sex. Ang lahat ng ito ay resulta ng stress, pagkabalisa, tension, takot, depression, o kombinasyon ng mga ito.
Makatutulong ang mga bagay na nakaka-relax, behavior modification at mga special exercises para maikondisyon uli ang ating mga utak at genital muscles para mag-respond ng normal.
Kapag may sexual problems nai-stress ang mga couples at maaaring maging ugat din ito ng mas malaking problema.
Kung wala nang gana sa sex, may payo mula sa psychologytoday.com na dapat tandaan lagi na:
(1) Ang expectation ay maaaring humantong sa failure.
(2) Ang failure ay malalampasan sa pamamagitan ng understanding at compassion.
(3) Ang understanding at compassion ay nagdudulot ng mas maayos na communication at mas malalim na awareness sa pangangailangan ng iyong partner.
- Latest