Sibuyas at honey: Panlunas sa nakakalbo
Gumawa ng pampahid sa anit na makakapigil sa panlulugon ng buhok.
Kailangan: isang tasang ginayat na sibuyas na pula at 2 kutsarang pure honey
Paraan:
1-I-blender ang sibuyas na may kahalong one-fourth tasang tubig.
2-Ibalot sa malinis na cotton cloth. Pigain ang juice.
3-Ihalong mabuti ang honey. Maaaring lagyan ng lemon or calamansi juice para mabawasan ang masansang na amoy ng sibuyas.
4-Kung gusto, haluan ang mixture ng alinman sa mga essential oil : lavender, peppermint o rosemary oil. Ang mga nabanggit ay nakakatulong din sa pagpapalago ng buhok.
Paano gamitin:
1-Imasahe ang mixture sa mga parteng nakakalbo o sa buong anit.
2-Balutin ang ulo ng shower cap ng 30 minutes. Puwede rin magdamag pero tanggalin ang shower cap dahil masamang balutin ang ulo sa mahabang oras.
3-Banlawan ang buhok. Inirerekomenda na gawin dalawang beses per day sa loob ng dalawang buwan sa mga may seryosong problema sa alopecia areata.
Bakit epektibo ang sibuyas at honey?
Ang sibuyas ay mayaman sa sulfur na umaayos sa daloy ng dugo sa ulo. Ang resulta ay pagsigla ng hair follicles at pagtubo ng buhok. Nakakatulong din ang katas ng sibuyas sa pagtanggal ng balakubak at naiiwasan ang pagputi ng buhok. Ang honey naman ay mayaman sa nutrients kaya literal itong ‘pagkain’ ng buhok.
(Source: http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/12126069)
- Latest