Paano gaganda ang kutis sa pagnguya ng pagkain?
Malaking pakinabang ang pagnguya ng mabuti sa pagkain na hindi dapat madaliin bago ito tuluyang lunukin. Mas madali kasing matunaw sa loob ng ating katawan ang pagkain kapag ito ay nanguya na parang kalabaw. Ang kalabaw, bago lunukin ang kinaing damo ay matagal munang binababad sa loob ng bibig sa kakanguya, saka ito lulunukin nang tuluyan.
Ang pagnguya ay may magagandang kabutihan sa ating katawan. Nakatutulong ito para mahalong mabuti ang pagkain at digestive juice sa ating bibig. Mas madali itong ma-digest dahil sa halos nahimay na bago dumating ito sa tiyan, hindi na rin mahihirapan pa ang ating panununaw. Ang mga pagkain tulad ng ipinirito, inihaw, o sobra ang pagkakaluto ay hindi maganda sa ating kalusugan. Mahirap itong tunawin na dahil sa well done ang pagkakaluto ay wala nang nutrients na makukuha. Marami rin itong toxin na makakasama sa iyong kalusugan at wala na ring sustansiya.
Mainam ang pagkain ng sariwa at half-cooked na pagkain na bukod sa madaling ma-digest ay nagtataglay ng mas maraming sustansiya na nakukuha na panlaban ng ating katawan.
Ang pagkain kapag na-digest mabuti sa ating tiyan ay nagbibigay naman ng magandang kutis sa iyong katawan.
- Latest