Ano ang epekto ng maganda mong ngiti?
Ang pagngiti ay malaki ang epekto sa emosyon ng isang tao.
Tumutulong ito upang ang indiduwal ay magkaroon ng tamang pag-iisip. Mabuti rin ito sa ating kalusugan. Dahil ang pagtawa ay isang gamot din sa ating kaluluwa.
Sa medical na aspeto ito ay nagpapaalis ng negative vibes sa ating pagkatao. Ang pag ngiti ay nakapapawi rin ng lungkot dahil sa iyong pag-aalala o pag-iisip ng sobra.
Bukod sa nagpapagaan ito ng pakiramdam, nakakahawa rin ang simpleng pagngiti o pagtawa sa iyong mga nakakasalubong o nakakasama.
Ang magandang ekspresyon ng mukha na nakangiti ay mas masarap kasama kesa sa laging nakasimangot. Tiyak na mapapawi ang galit ng kausap mo kung ay laging nakangiti na nagbibigay sa iyo ng magandang aura.
- Latest