9 Color Fengshui Tips
1-Ang bedroom ay lugar na pahingahan kaya mas mainam na pastel colors.
2-Ang matingkad o masayang kulay ay gamitin sa salas at kusina.
3-Alalay lang sa paggamit ng pula at itim. Ang pula ay lumilikha ng kapusukan ng damdamin samantalang ang itim ay lumilikha ng depresyon at kawalang-pag-asa.
4-Kung gagamit ng pula o itim, kailangang ito ay “accent” lamang. Halimbawa, border ng tiles o carpet. “Minor” lamang ang gamit sa mga nabanggit na kulay upang patingkarin ang isang disenyo.
5-Ang red ay minam na gamitin sa south section ng kabahayan samantalang ang itim ay sa north section.
6-Ang puti ay lumilikha ng malinaw na isipan, konsentrasyon at pagiging malikhain. Gamitin sa study room, sa kuwarto ng mga bata at west section ng kabahayan.
7-Ang berde ay nagbibigay ng positive attitude sa tao. Simbolo ito ng pag-unlad. Mainam gamitin sa east at southeast section ng inyong bahay.
8-Ang dilaw ay simbolo ng mahabang buhay, kaligtasan at katatagan. Mainam itong gamitin sa northeast at southwest section upang magkaroon ng magandang relasyon ang mag-anak at madagdagan ang kanilang talino.
9-Ang light blue ay lalong nagpapatingkad ng pagiging malikhain ng isang tao at pagiging maunawain. Sa north section ng bahay ito ginagamit upang umunlad ang business at career.
- Latest