Island of the undead (78)
PAGOD na pagod ang apat matapos makapagputol ng mga kahoy.
“Kaya pa ba nating buhatin ang mga ito palabas ng gubat, Dok?” Tanong ni Miley na pawis na pawis.
“Hindi naman maaring hindi natin dadalhin ang mga ito. Pinaghirapan na nating putulin, Miley.”
Napatingin si Miley kay Blizzard, napansin niyang namaga ang bibig nito.
“My God, Blizzard! Kanina kasi para makatulong ka ay kinakagat mo ang mga puno! Tingnan ko nga …”
At maingat na binuksan ni Miley ang bibig ng taong aso.
Na-shock siya sa nakita sa loob. “Dok, puro dugo, ang dami! Siguradong puro sugat ang kanyang mga gilagid!”
Tiningnan din ng doctor. “Poor guy. Hindi bale, Miley … pagkabalik natin sa labas, magpapakulo agad tayo ng mga dahon ng bayabas. Ipapamumog natin kay Blizzard para hindi ma-infect ang mga gilagid niya.”
Naiyak si Miley sa awa sa boyfriend. “Thanks for still trying to help, Blizzard. Don’t worry, I promise … babalik ka sa dati mong itsura.”
“Tena, Miley, Joanne. Kailagang makalabas na tayo ng gubat. Baka gabihin tayo dito, delikado rin sa loob ng gubat.”
“Hon, I love you …” Ngayon lang uli nagsalita si Joanne. Hindi pa rin ganap na nakabalik sa dating kaisipan.
Napangiti ang doctor, masayang-masaya. “I love you, too … Hon. At huwag ka ring mag-alala, mababalik ka rin sa dati. Maaalala mo rin ang lahat kapag normal nang nagsi-circulate sa katawan mo ang dugo mo.”
Naghanda na silang apat para buhatin ang mga kahoy.
Pinigil ni Miley si Blizzard. Gustong kagatin ng taong-aso ang isang naputol na maliit na puno.
“No, no. Huwag na, Blizzard. Lalala ang mga sugat mo sa gilagid.”
Pero hindi nagpapigil ang aso, kahit hirap ay binuhat ang maliit na kahoy sa pamamagitan ng bibig.
Napabuntong-hininga na lang si Miley.
Nang sabay-sabay nilang narinig ang maramig kaluskos. Kinabahan sila.
“Dok, ano’ng mga ingay ‘yon?”
“Gubat ito, naririto ang lahat na klaseng hayop. Tena kayo, dali. Buhatin ang lahat na kayang buhatin.”
Nagmadali na nga rin sina Miley at Doktora Joanne.
Patuloy ang mga kaluskos at may mga lumabas sa masukal na mga tanim.
Itutuloy
- Latest