Nilagyan ng tattoo sa tiyan
Panaginip: Maganda ang naging relasyon ko sa aking mga magulang kaya hindi ko maintindihan kung bakit napanaginipan ko ito ng tatlong beses. Isa hanggang tatlong buwan ang pagitan. Magkakaiba ang eksena ngunit ang tema ay lagi akong sinasaktan ng aking ama. Halimbawa, isinulat niya ang kanyang pangalan sa aking tiyan sa pamamagitan ng tattoo. Kahit tumututol ako dahil masakit, itinuloy pa rin niya ang pagta-tattoo. Sa ikalawang panaginip: Ikinulong niya ako sa madilim at mabahong toilet. Pangatlo, bumalik ako sa pagkabata, pinapalo niya ako ng sinturon sa harap ng aking mga kalaro. I’m 30 now, single. – Librada
Interpretation: Trenta anyos ka na pero kung ituring ka ng iyong ama ay parang bata. May panahong para ka niyang pag-aari na hindi puwedeng magdesisyon para sa iyong sarili. Napapansin mo pero pilit mong iwinawaksi sa iyong isipan na masyado ka nang nasasakal sa pagiging dominante ng iyong ama. Ang sakit na nadama mo sa tattoo na inilagay sa iyong tiyan ay nagpapahayag na napupuno ka na at hindi mo na masikmura ang pinaggagawa ng iyong ama sa iyo.
- Latest