Bakit humaba ang kanilang buhay?
Tips mula sa mga taong umabot ang edad sa 100 plus:
Agnes Fenton, 110: Mula noong 70 years old, umiinom na siya ng 3 bote/lata ng beer at isang basong whiskey araw-araw. Minsan ay umiinom pa rin siya ng Johnnie Walker Blue Label. Wala siyang naging problema sa kalusugan maliban lang sa bukol na hindi naman delikado. Pero nang mawalan na siya ng gana sa pagkain, binawasan ng caregiver ang iniinom niyang alak.
Gertrude Weaver, 116: Simple lang ang nagpahaba ng kanyang buhay – naging mabait siya sa kanyang kapwa. Inia-aplay ang golden rule: Kung ano ang gusto mong pakisama na gawin ng ibang tao sa iyo, iyon ang gawin mo sa kanila. Bukod dito, walong oras siyang natutulog, hindi naninigarilyo at hindi umiinom ng alak.
Jessie Gallan, 109: Matanda siyang dalaga at iniuugnay niya ang haba ng kanyang buhay sa kawalan ng asawa. Naniniwala siya na gulo lang ang idudulot ng mga lalaki sa kanyang buhay kaysa katahimikan at kaligayahan.
Alexander Imich, 111: Noong kanyang kabataan, siya ay swimmer at sumasali sa gymnastics. Manok at isda ang lagi niyang kinakain. Hindi siya umiinom ng alak.
Adelina Dominguez 114: Hindi nagkakasakit kahit kailan. Naniniwala siya na ang relihiyon niya ang nagsisilbing gamot sa kanyang pisikal at ispiritwal na buhay. Iniuugnay din niya ang maganda niyang kalusugan sa pag-iwas sa make-up. Kahit kailan ay hindi siya gumagamit nito para magpaganda.
George Boggess, 103: Naging sundalo siya noong World War II. Siya ang may pinakasimpleng exercise sa lahat – lakad lang nang lakad araw-araw.
- Latest