Pinakamabilis na paraan ng pagbalat ng orange
Masarap na kutkutin ang mani at butong pakwan. Lalo na kapag naghihintay ka ng kasama mo. O kaya naman ay wala kang magawa sa bahay at nagpapalipas lang ng oras. Pero paborito ring kainin ng karamihan ang mansanas, ubas, rambutan, at orange.
Hindi ba’t mahirap at matagal ang proseso ng pagbalat ng orange? Nagmamantsa kasi at dumidikit ang katas nito sa mga kuko. Bukod pa riyan, kumakain pa ito ng maraming oras, na imbes nag magsasaya ka na sa pagkain eh nagbabalat ka pa rin ng prutas.
Aminin mo tama naman ako, ‘di ba?
Pero alam mo bang may mabilis na paraan para makapagbalat ng orange? Oo trick ito sa mga tamad magbalat at gustong kumain na lang. He he he. Pero puwera biro, tatlong steps lang ang kailangan at mai-enjoy mo na ang pagkain ng orange. Narito ang tatlong hakbang para mas mabilis na ma-enjoy ang orange:
Una, hiwain gamit ang kutsilyo ang itaas at ilalim na bahagi ng prutas. Ikalawa, gumawa ng hiwa mula sa magkabilang dulo ng tinapyas na parte ng orange. Ikatlo, ibuka ang prutas at presto, napakadaling makakain at mai-enjoy mo na ang orange.
Hindi ba’t kay sarap talagang kumain lalo na kung mabilisan ang proseso ng pag-prepare mo nito? Burp!
- Latest