^

Para Malibang

Dapat pa bang isalba ang nasirang pagkakaibigan?

Pang-masa

Kung nasa bingit ng pagkasira ang pagkakaibigan, mag-isip kung ang “friendship” ay karapat-dapat bang isalba.

Kung handa ka pang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang ang iyong pakiki­pagkaibigan, narito ang ilang hakba sa iyong pakikipagsapalaran:

Aminin ang pagkakamali. Simulan ang pag-ako sa nagawa mong hindi tama. Aminin ang iyong nagawang kasalanan. Ang pag-amin ng kasalanan ay simbolo ng iyong pagkukumbaba.

Pangakong  pagbabago. Panindigan ang pangakong magbabago mula sa maling nagawa. Ang pagtupad sa pangako na itutuwid ang kasalanan at magiging tapat sa usapan ay tanda ng iyong commitment sa pinagkasunduan.

Huwag ipagtanggol ang sarili. Ang iyong hangarin ay makakuha ng pagpapatawad, huwag bigyan ng excuse ang iyong sarili. Itanong kung anong magagawa mo para magkaroon ng “healing” ang iyong pagkakaibigan. Ito ay magbubukas ng pinto mula sa iyong kaibigan para magbigay ng suhestion na puwede ninyong gawin pareho.

Bigyan ng pagkakataon ang iyong kaibigan. Hayaang magsalita kung ano ang kailangan niyang sabihin sa iyo. Makinig at gawin ang paraan para maayos ang inyong relasyon bilang magkaibigan.

Kung merong hindi pagkakaunawaan sa inyong pagkakaibigan na may halaga sa iyo, huwag mag-atubili na ayusin ang nasirang “bond” dahil lahat ng relasyon ay dumadaan sa “healing process”. Habang nagtatagal ay lalo pang nagiging matibay na taling nagbibigkis sa pagitan ng iyong kaibigan. Ang ganitong uri ng friendship ay dapat pahalagahan o  ingatan dahil ang kaibigan ay kayaman na maituturing sa ating buhay.

ACIRC

ALIGN

AMININ

ANG

BIGYAN

HABANG

HAYAANG

IYONG

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with