Lunas sa ‘indigestion’
Ang palatandaan na may problema na mahina ang panunaw: pagkatapos kumain ay sumasakit ang tiyan, nakakaranas ng heartburn, madalas umutot at dumighay, bloating (feeling punung-puno ang tiyan), may acidic taste sa bibig, constipation.
Luya – Balatan ang luya. Pakuluan sa tubig. Inumin hangga’t mainit-init pa. Sumasakit ang tiyan dahil sa naipong gas. Sa tulong ng volatile oil mula sa luya, ang gas ay matatanggal sa pamamagitan ng sunud-sunod na pag-utot at pagdighay.
Apple cider vinegar – isang kutsaritang vinegar + kalahating tasang tubig. Ito ang inumin kung ang dahilan ng indigestion ay napasobra ang kain.
Baking soda – isang kutsaritang baking soda + isang basong tubig + 2 drops lemon or calamansi. Nagtatanggal ng pangangasim, bloating, at nagpapautot.
Minsan, ang dahan-dahang pag-inom ng mainit na tubig ay nagpapaginhawa na ng pakiramdam. Mayroong nagsasabi na nagpapagaling din ang pag-inom nang dahan-dahan ng clear cola (7-UP at Sprite) or Coke/Pepsi na ilang araw nang nabuksan kaya lumipas na ang spirit ng karbonato.
- Latest