Stress nakakaapekto sa sex life ni ate
Walang dudang maapektuhan rin ang sex life ng mga babae kapag nai-stress.
Para sa mga babae, ang sex ay hindi lamang physical activity dahil may kasamang emosyon ang mga babae kapag nakikipag-sex.
Ang sex ay isang intense emotional experience sa mga babae. Tulad sa mga lalaki, ang pinakamalakas na aphrodisiac para sa mga babae ay ang utak.
Kadalasan ang mga babae ay may negatibong pagtanggap sa sex. Maaari silang magkaroon ng mga habit para hindi ma-enjoy ang sex at puwede rin silang magkaroon ng iba’t ibang stress responses na nagiging sanhi ng automatic physical reactions.
Kumpara sa mga lalaki, naaapektuhan nang husto ang hormone levels ng mga babae kapag nai-stress.
Pinipigilan ng hormone na endorphins ang pagre-release ng LHRH (luteinizing hormone releasing hormone) na kapag bumababa ay nagiging dahilan din ng pagbagsak ng LH (luteinizing hormone), ang hormone na nagti-trigger ng ovulation.
Napipigilan din ng cortisol ang anterior pituitary sa pagre-release ng tamang levels ng LH. FSH, prolactin at estrogen. Bukod pa rito, naaapektuhan din ang progesterone levels.
Dahil dito, nagreresulta ito sa irregular ovulatory cycle at nagkakaroon ng problema sa fertilization at implantation ng egg sa uterine wall.
Ang babae at lalaki ay parehong nagpo-produce ng FSH, LH, testosterone, at estrogen pero magkaibang dami. Kapag matindi na ang stress, naapektuhan ang mga sex hormones dahil sa mga lumalabas na stress hormones tulad ng cortisol. (Source: psychologytoday.com) ITUTULOY
- Latest