‘Money’ hindi ‘cheese’
Money ang sabihin kapag nagpapalitrato at huwag cheese. Ang epekto ay nagiging natural ang ngiti sa labi at pati ang mata ay magmumukha rin nakangiti.
Sa pagbibiyahe, magbaon ng ilang pirasong plastic bag para rito mo ilalagay ang maruruming damit. Sa ganitong paraan, hindi magkakahalu-halo ang malinis at marumi sa isang maleta.
Glue stick ang ipahid sa nakagat na lamok para hindi mangati. Paano kung walang glue stick. Kumuha ng coin. Painitin ito sa apoy mula sa lighter. Ipatong ang mainit na coin sa affected area. Papatayin nito ang “protein” na nagpapakati.
Lagyan ng 2 drops na nail polish remover ang mga nanigas mong cutex. Shake. Good as new!
Kung laging naliligo sa ipot ang iyong kotse dahil ang paradahan nito ay katapat ng tambayan ng mga ibon, subukan mo ito: Patungan ng laruan ahas ang bubong ng kotse. Takot sa ahas ang mga ibon kaya iiwasan nilang tumambay malapit sa kotse.
Gawin ang 4-7-8 technique kung nahihirapang makatulog. 4 seconds inhale. 7 seconds na huwag huminga. 8 seconds na pakakawalan ang pinigil na hininga. Ulit-ulitin hangga’t hindi inaantok.
- Latest