#’Hot Car Death’
Ito ‘yung pangyayari na nakalimutan at naiwan ang batang natutulog sa likuran ng kotse kaya nagdulot ng kamatayan. O, kaya ay nakulong sa trunk matapos paglaruan ito. Paano ito maiiwasan?
Una, gisingin ang anak kapag nakarating na sa inyong destinasyon. Basta’t bababa ka sa kotse, bitbitin ang anak palabas kung walang maiiwang adult na magbabantay sa kanya sa loob ng kotse.
Pangalawa, sa dashboard, maglagay ng malaking reminder: LOOK BEFORE YOU LOCK. Ang isa pang strategy ay ilagay sa backseat ang mga importanteng gamit: cell phone, bag, company ID, wallet, etc. para mapilitan kang buksan lagi ang backdoor bago i-lock ito.
Pangatlo, kung may child car seat, lagyan ito ng malaking stuff toy kung walang laman. Kung nakasakay si Baby, ilagay ang stuff toy sa front seat para maging reminder na may baby sa likuran.
Panghuli, ituro sa bata na ang trunk ay para sa cargo at hindi lugar para sa larong Hide and Seek. Kapag nakaparada ang kotse sa bahay, itago ang susi ng kotse sa hindi nila makikita at maabot. Kapag nawala ang bata, itsek kaagad ang loob ng kotse at trunk.
Sources: kidsandcars.org, lifefamilyeducation.com
- Latest