^

Para Malibang

Selosa, bungangera nilayasan ni mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Mameng, 35 yrs. old at 6 years nang hiwalay sa asawa. Marahil nasagad siya sa sobrang pagka-selosa ko at bungangera. Dalawang beses na niya akong iniwan dahil sa masama kong ugali. Pero nagkakabalikan din kami. Itong pangatlong pag-alis niya ay hindi na siya nagbalik. Ang balita ko’y sumama na siya sa ibang babae. Pinagsisisihan ko ang lahat. Kahit matino siyang lalaki, pinaghihinalaan ko siyang may ibang babae. Yan ang madalas naming pag-awayan tuwing uuwi siya ng alanganing oras dahil sa overtime. Hanggang isang araw, hinamon niya ako na tutal pinagbibintangan ko siyang nambababae tototohanin na niya. Umalis siya at hindi na bumalik. Hindi nagtagal nabalitaan kong may kinakasama na siyang iba. May nakapagsabi sa akin na nag-migrate na siya sa Canada kasama yung babae. Single parent ako ngayon at napilitang magtrabaho. May nanliligaw sa akin at kahit mahal ko pa ang aking mister, parang gusto ko nang pumatol dahil may makakatulong ako sa pagtataguyod sa aking mga anak. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Mameng,

Sa palagay ko’y malabo nang magkabalikan kayo ng mister mo. Malamang may nakita siyang magandang katangian sa babaeng sinamahan niya na hindi niya nakita sa’yo. Mas mahirap nang bumalik pa siya sa iyo dahil nasa Canada na siya kasama ang kanyang kinakasama. Masyado nang magiging komplikado ang sitwasyon kahit magdemanda ka pa. Totoong nasa huli ang pagsisisi. Ngayo’y balak mong palitan na siya sa iyong puso for practical reasons. Mag-isip ka muna. Baka umiral ang pangit mong ugali sa lalaking iyan at mauwi rin sa hiwalayan ang inyong relasyon. Tantiyahin mo muna ang iyong sarili kung kaya mong magbago. Kung hindi, magtiyaga ka na muna sa pagiging single parent.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANG

ANO

DALAWANG

DEAR MAMENG

DEAR VANEZZA

HANGGANG

ITONG

KAHIT

MALAMANG

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with