Island of the undead (56)
Ang mga magulang nina Miley at Blizzard ay nasa simbahan sa Antipolo.
“Talagang dito tayo nagsisimba para madaling madinig ng Diyos ang dasal natin na matagpuan na sa karagatan ang mga anak natin.” Sabi ng Mommy ni Miley.
“Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa, Future balae. Buhay sina Miley and Blizzard. Hindi ba pareho naman tayo ng nararamdaman?” Sagot naman ng Mommy ni Blizzard.
“Of course. Oo, almost a month nang wala pa rin sila. But we know they are survivors. They are smart. And prayerful. Dahil tinuruan natin sila. Kaya hindi sila pababayaan ng Diyos.”
“Saka magkasama sila. Together they are stronger.”
Ang dalawang ina, mga babae, kay lalakas ng loob. Matatapang.
Pero ang kanilang mga asawa ay naroroon sa kanya-kanyang kotse. Ayaw pumasok sa simbahan. Nagtatampo kay God.
Parehong umiiyak.
“Diyos ko, kaisa-isang anak pareho ang dalawang ‘yon, bakit naman po nagkakaganito? Hindi pa po sila dapat mawala sa amin. Kami po ang dapat nilang mailibing nang maayos. Hindi sila. At ... hindi pa nga yata namin sila maililibing nang maayos. Kung nasa ilalim na sila ng dagat, paano namin sila matatagpuan?” Ang sama-sama talaga ng loob ng Daddy ni Miley. Nakasubsob sa manibela, humahagulhol.
Siguro kung hindi bukas ang aircon ng SUV ay baka hinimatay na ito. Dahil sa sama ng loob at init.
HINDI nga nagsasalita ang Daddy ni Blizzard pero panay naman ang suntok sa katabing passenger’s seat habang umiiyak.
At ewan kung dahil talagang aburido, binuksan pa ang car stereo at itinodo ang lakas. Ang tugtog ay rock.
At hindi pa nagkasya doon. Pinindot nang pinindot ang busina ng kotse. Kasabay ng pagtulo ng luha.
Mahal na mahal niya ang only child. Napakabait ni Blizzard. Masunurin. Kaya nga siguro medyo mahina ang loob nito dahil nga puro yes ang alam isagot sa mga magulang.
Aminado naman siya na sa mag-sweetheart ay si Miley ang malakas ang loob. Ang daring.
Pero kailanman hindi naman nila pinuproblema ‘yon. Basta sapat nang napakabait ni Blizzard. At ngayon, kahit araw-araw silang nagpapasuyod sa dagat, wala kahit anino ng dalawa.
- Latest