Kumusta ang buhok mo?
Gumaganda ba o pumapangit ang buhok mo? Kung pumapangit, may ibig sabihin ‘yan.
Malutong: Nasosobrahan ng iba’t ibang chemical treatment kagaya ng pagpapakulot, pagpapakulay, pagpapa-straight. Indikasyon din ito na laging nakabilad sa araw ang buhok. Minsan ay may epekto sa buhok ang iniinom na gamot.
Walang Kintab: Madalas na paglalangoy sa pool na may chlorinated water o madalas na pagkukulay. O, kaya ay kulang sa protina at bitamina ang diet. Sintomas din ito ng hypothyroidism.
Nalulugon: Laging nakararanas ng stress at junk foods na lang ang kinakain araw-araw. Ang kawalan ng sustansiya ng katawan ay nagdudulot ng pagkalugon ng buhok. Ang pagsasagawa ng blow drying sa buhok araw-araw ay nakapagpapahina ng kapit ng buhok sa anit. Kung minsan, sintomas din ito ng psoriasis, diabetes, at hypothyroidism.
Pamumuti: Kung matanda na, normal lang ‘yun ngunit kung bata pa, premature hair greying or whitening may represent early atherosclerotic changes in heart blood vessels and the degree of grey/white hairs is related to extent of coronary artery disease.
Split ends: Ang dahilan ay kagaya sa paglutong ng buhok ngunit kung seryoso, maaaring ito ay sintomas ng genetic problem called trichorrhexis nodosa.
- Latest