5 bawal ‘pag may ‘period’
Oo, ‘yung mga hindi dapat gawin kapag may regla. Una, hangga’t maaari ay huwag munang makipag-sex sa partner. Hindi porke’t nireregla, ibig sabihin ay ligtas nang mabuntis. Malaki pa rin ang tsansang magkabuntisan sa pagkakataong ito. Dagdag pa rito, malaki ang tsansang magkaroon ng impeksiyon sa ganitong pagkakataon.
Huwag munang gumawa ng mabibigat na gawain. Lalo lang sasama ang pakiramdam.
Magpalit ng sanitary napkin tuwing 3 oras upang maiwasan ang impeksiyon sa vagina. Ang hindi pagpapalit ng napkin ay nagiging dahilan ng masamang amoy sa katawan.
Huwag sobrahan ang paghuhugas “doon”. Ginagawa ito ng mga babaeng sobrang malinis sa katawan. Baka matanggal ang “good bacteria” na nagpoprotekta laban sa impeksiyon.
Huwag uminom ng kape at softdrinks dahil ang caffeine nito ay magpapalala ng “cramps” (sakit sa tiyan o puson). Sa halip, maraming tubig ang inumin. Hindi ito makakalaki ng tiyan o puson kagaya ng paniwala ng marami. Sa katunayan, makakatulong pa ang tubig para matanggal ang sakit sa tiyan o puson tuwing iihi.
Sources: americanpregnancy.org, sheknows.com, boldsky.com
- Latest