‘Graceful exit’
Kahit gaano pa ka-macho ang isang lalaki, importante pa rin sa kanya na magkaroon ng “graceful exit” sa anumang sitwasyon, mapatrabaho o relasyon man. Ang isang lalaki ay dapat na kumilos ng may dignidad anumang sakit, galit, at pagkababa ng moral ang kanyang nararamdaman. Kahit pa sa tingin niya ay may karapatan siyang magpakita ng galit, hindi siya dapat nadadaig ng kanyang emosyon o anumang sitwasyon.
Pagkawala ng trabaho – Ang isang taong natanggal sa kanyang trabaho ay hindi kailanman matutuwa. Mayroon laging galit na nararamdaman sa taong responsible sa kanyang pagkakasibak sa trabaho. Kung ganito ang sitwasyon mo ngayon, hindi mo dapat awayin ang kompanyang iyong pinagtatrabahuhan. May kasabihan sa Ingles na “It is never good to burn bridges.” Bakit? Hindi mo kasi alam sa darating na panahon kung kakailanganin mo pa rin ang kompanyang iyong pinanggalingan o ang sinumang tao rito. Kung nagkaroon ka man ng sama ng loob, maaari mo naman itong sabihin sa maayos at magandang paraan sa iyong exit interview.
- Latest