Talaba mas malakas pa sa viagra
Marami pang mga pagkaing bukod sa rami rin ng health benefits ay makatutulong din sa ating sexual health.
Oysters o talaba at iba pang Shellfish - May reputasyon ang talaba bilang aphrodisiac food. Ito marahil ay dahil sa ang itsura nito ay may hawig sa genitals ng mga babae.
Pero ang totoo, may nagagawa talaga ang talaba sa ating sexual function.
Ang talaba ay mayaman sa zinc sa lahat ng pagkain na kailangan ng ating katawan.
Pero alam n’yo ba na ang zinc ay pinaniniwalaang nag-e-enhance ng libido sa pamamagitan ng pagtulong sa produksiyon ng hormone na testosterone na parang viaga.
Kapag mataas ang level ng hormone na ito ay sinasabing tumataas ang desire.
Mahalaga rin ang zinc sa sperm production at blood circulation.
Ang iba pang source ng zinc ay hipon, red meat pumpkin seeds, poultry, at pork, itlog at dairy products.
Para mas lalong ganahan, subukang lagyan ng hot sause o sili kapag kumain ng talaba.
- Latest