Nei Guan: Pindot-gamot
Acupressure sa pangkalahatang tawag, kung saan pinipindot at minamasahe ng hinlalaki ang “discrete points” ng ating katawan upang gumaling sa masamang nararamdaman. Ang pagpindot sa wrist or galanggalangan ay tinatawag na nei guan sa Chinese. Ito ay nagpapagaling sa nasusuka dahil naglilihi, nagpa-chemotherapy o nagbibiyahe, may carpal tunnel syndrome at masakit ang ulo. Nagpapagaling din ito ng insomia, depresyon at nahihirapang huminga dahil sa ubo.
Hanapin ang nei guan point sa pamamagitan ng pagpatong ng iyong 3 kanang daliri--hintuturo, panggitna at palasinsingan sa iyong kaliwang wrist. Ang nei guan point ay nasa tapat ng iyong hintuturo (illustration A). Masasabing tama ang nahanap mong nei guan point kapag masakit ito pagkatapos mong idiin ang hinlalaki. Ipatong ang iyong hinlalaki sa nei guan point (B). Diinan ito ng 4 to 5 seconds. Patuloy itong gawin hangga’t hindi gumagaling ang masamang pakiramdam.
- Latest