^

Para Malibang

Takot ka bang makipag-date?

Pang-masa

(Last part)

Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano lalabanan ng isang lalaki ang takot na kanyang nararamdaman. Narito pa ang paraan:

Magkaroon ng kumpiyansa - Ito ang pinaka-importante, ang pagkakaroon ng kumpiyansa o tiwala sa sarili. Paano ka ba magkakaroon nito? Dapat ayusin mo ang iyong itsura at personalidad. Matutong makisama sa kapwa. Siguruhin mong ikaw ay malinis tingnan. Tipong tingin pa lang sa ’yo ay mabango ka na kahit hindi ka amuyin. Matutong manamit ng maayos at naayon sa panahon o okasyon. Maayos at desenteng magsalita. Hindi dapat masyadong siga ang dating. Lagyan ng kaunting pagiging gentleman ang kilos. Pag-aralan kumilos ng desente, na kung titingnan ng babae ay makararamdam ang babae na ligtas siya kapag kasama ka niya. Hindi tipong kapag kasama ka niya ay nanganganib ang buhay niya dahil ang dating mo ay mayabang kaya kukursunadahin ng iba.

Huwag umasa sa mga bagay na hindi pa nangyayari - Kung nagpaplano ka na imbitahin ang isang babae na i-date, tigilan mo muna ang pag-iisip ng mga bagay na inaasahan mong mangyayari. Nakadadagdag kasi ito ng isipin at stress sa ’yo dahil tiyak na maiisip mo rin na kung paano ang iyong gagawin kung hindi mangyayari ang mga bagay na inaasahan mo. Talunin mo muna ang takot na iyong nararamdaman sa aspetong ito. Kapag nagawa mo ito, tiyak na magiging maayos at suwabe ang magiging resulta ng pakikipag-date mo.

vuukle comment

ANG

DAPAT

HUWAG

ITO

KAPAG

LAGYAN

MAAYOS

MAGKAROON

MATUTONG

NAKADADAGDAG

QUOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with