^

Para Malibang

Tip sa pagkain ng popsicle na hindi ka nanlalagkit

Pang-masa

Mahilig ang mga bata sa matatamis. May ka­sabihan nga na bigyan mo lang ng kendi ang isang bata ay abot-langit na ang kaligayahan nito. Eh ano pa kaya kung ice cream ang ibigay mo sa isang batang umiiyak?

Noong mga bata kami, masaya na kami ng kapatid ko kapag pinasasalubungan ng aming ina ng kendi o kahit tsokolateng nabibili lang sa tindahan. Pansin ko rin ito sa mga kabataan sa aming pamilya magpahanggang ngayon. Masayang-masaya na ang mga tsikiting kapag binilhan mo ng kahit ano’ng matamis.

 Ang Ice cream ang isa sa mga paboritong kainin hindi lang ng mga tsikiting at kabataan kundi pati na rin ng mga mahilig magpakyut sa kanto! He he he. Maraming klase ng ice cream, merong sorbetes sa apa, nakalagay sa cup, ice cream sandwich, at ice cream on a stick o popsicle. Pati presyo ng ice cream ay nag-evolve na rin sa paglipas ng panahon. Naalala n’yo ba ang pagsikat ng isang ice cream on a stick na inilabas ng kilalang brand na akala mo ginto sa presyo? Dumating pa ang panahon na sobrang sikat ng ice cream na ‘to at nagkaroon pa ng mga special shop kung saan puwede kang mag-personalize at maglagay ng kung anu-anong toppings.

Pero balik tayo sa punto ko ngayon, kung isa ka sa mga nanay na “nabiktima” ng popsicle dahil sa pagkakalat ng inyong mga tsikiting sa pagkain nito, puwes narito ang tip para hindi na ito maulit sa susunod. Siyempre puwede rin ang tip na ‘to sa mga ‘di na masya­dong bagets o kaya naman gustong magpa-cute nang hindi nasisira ang beauty n’yo. Ha ha ha.

Narito ang sikreto, kumuha lamang ng cupcake liner at butasan sa gitna na kakasya lang sa popsicle stick. Ipasok ito sa ilalim ng popsicle stick para pansalo sa natutunaw na ice cream. Presto, makaka-aura na kayo! Este hindi na pala magkakalat ang inyong mga bagets at manlalagkit sa pagkain ng ice cream on a stick. Pero siyempre gumamit lang ng cupcake liner na may aluminum coating para hindi agad ito mapunit.

Enjoy sa pagkain ng popsicle. Burp!

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG ICE

CREAM

DUMATING

ICE

IPASOK

MAHILIG

MARAMING

MGA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with