15 ‘manners’ na dapat ituro sa bata
Sa inyong bonding time puwede isingit na ituro ang manners na dapat nilang matutunan. Ang paghubog sa pagkatao ng isang bata ay nag-uumpisa sa pagtuturo ng simple rules of etiquette.
1—Gumamit ng po at opo kapag matanda ang kausap.
2—Kapag may ipapakiusap, magsabi ng “please” or “paki”.
3—Kapag may tinanggap na bagay o pabor, magsabi ng “thank you” or salamat.
4—Huwag abalahin ang pag-uusap ng matatanda maliban lang kung emergency. Magsabi ng “excuse me po” sa ganitong pagkakataon.
5—Kapag hindi sigurado sa gagawin, ipaalam muna ito sa matatanda upang walang pagsisihan sa bandang huli.
6—Kung hindi maganda ang sasabihin sa kausap manahimik na lang.
7—Huwag magbigay ng negatibong komento sa pisikal na hitsura ng mga tao.
8—Kapag inimbitahan sa bahay ng kaibigan para maglaro o makiselebreyt ng birthday nila, bago umalis, magpaalam at magsabi ng thank you sa mga magulang nito.
9—Kumatok at maghintay ng sagot bago pumasok sa hindi mo kuwarto.
10—Kapag tumatawag sa telepono, ipakilala muna ang sarili saka sabihin ang pangalan na gusto mong makausap.
11—Huwag magmura. Ang batang mahilig magmura, kapag lumaki, gangster ang magiging barkada.
12—Huwag mambinyag ng masasamang pangalan sa kapwa bata.
13—Magsabi ng sorry kung may nagawang hindi maganda sa iba.
14—Takpan ang bibig kung uubo o hahatsing. Huwag mangulangot sa harap ng publiko.
15—Huwag magsasalita kung may laman ang bibig.
- Latest