Paggunita sa ‘Linggo ng Hika’
Sa pagdiriwang ng Asthma Week o Linggo ng Hika ngayong ikalawang linggo ng Agosto narito ang mga kaalaman para mapalaganap pa ang awareness sa pamilyang Pinoy na makatutulong sa pag-iingat sa pag-iwas sa hika o asthma na sinasabi ng mga doktor na puwedeng maiwasan o makontrol sa epektibong pamamahala o pag-manage ng nasabing sakit. Ang hika ay pabalik-balik na sakit dahil sa pamamaga ng daanan ng hangin sa baga o bronchial tubes na meron ding pabalik-balik na mga sintomas.
Ang mga karaniwang sintomas o palatandaan na ikaw ay may hika na kabilang na ang sumisipol na paghinga, pag-ubo, paninikip ng dibdib, at kapos sa paghinga. Karamihan sa mga tao na may hika ay nakararanas ng isa o higit pa sa mga sumusunod na sintomas tulad ng pag-ubo na umaatake madalas sa gabi o madaling araw pa lang na nagpapahirap sa paghinga ng taong may asthma. Minsan sa iyong pag-ubo ay may kasamang uhog o plema. May halo pa itong tunog na pagsipol o wheezing sounds kapag ikaw ay humihinga. Hirap ka rin huminga dahil sa pananakit ng iyong dibdib dahil sa humihingal ka o hinahabol ang iyong paghinga. Minsan kinakapos ka ng hangin sa paghinga dahil sa kapos din ang pagdaloy ng hangin o oxygen sa iyong baga. Tandaan na ang mga nabanggit na mga sintomas ng hika ay hindi pare-parehong nakikita sa iba’t ibang tao. Iba-iba kasi ang reaksiyon ng hika sa isang tao na puwedeng pinanggagalingan ng hika ay mula sa kanyang allergy tulad ng usok, alikabok, balahibo mula sa hayop, malamig na panahon, stress, at iba pang kadahilanan na nagti-trigger ng kanyang hika. Maaaring ang ibang may asthma ay nakukuha sa ibang bagay pero hindi sa allergy. Puwede rin ang pasyente ay sinusumpong lang ng hika isang beses isang buwan, na depende naman ng dalas sa ibang tao na linggu-linggo kung inaatake ng hika, o saglit lang ang atake sa ibang indibiduwal na nabibilang lang ng oras ang kanilang asthma. Meron ding tao na maaaring inaasahan na magkaroon ng ilang sintomas lang ng hika. Ang isang malubhang atake ng hika, ang iyong daluyan ng hangin o airways sa makitid na daanan na hindi sapat ang oxygen ay maaaring makakuha ng dugo na papunta sa iyong mga mahahalagang organs na ang ganitong kondisyon ay isang emergency case. At ang taong inaatake rin ng matinding hika ay puwedeng mamatay. Kaya kung ikaw ay kinakapos sa paghinga o hindi nawawala ang iyong ubo ay magpakonsulta na sa iyong doctor. At dahil sa epektibong pamamahala ng sakit ng hika ay puwede itong maiwasan. Dapat matukoy muna ang nagti-trigger ng iyong hika o allergies. Laging sundin ang payo ng doktor sa pag-inom ng iyong gamot pati na rin ang prescribe na murang inhalers para sa iyong hika. Iwasan din ang mga nagpapalala ng hika o allergy tulad ng mga sumusunod: Huwag pulbusan ang mukha o leeg ng iyong baby. Sa mga kababaihan naman ay huwag gumamit ng face powder na pampahid sa iyong mukha. Panatilihin ding linisin ang mga alikabok sa inyong bahay. Laging gumamit ng malilinis na unan at magpalit ng kurtina tuwing linggo. Takpan din lagi ang iyong ilong kapag nasa labas ng bahay o kapag nasa kalye, puwede ring sumakay sa airon na sasakyan para iwas sa usok ng sasakyan. Pinakamainam ay ang panatilihing malusog ang katawan sa pagkain ng gulay, prutas, at isda. Panatilihin din ang ideal na timbang ayon sa iyong edad at height para hindi tumaba nang husto. Maglaan din ng oras sa pag-eehersiyo para makaiwas sa mga sakit hindi lang ng hika at magkaroon ng maayos ng kalusugan kasama ang iyong pamilya.
- Latest