^

Para Malibang

Bakit sa kanan nakatingin ang nagsisinungaling?

Pang-masa

Minsan, nahihirapan kang alamin kung totoo ang sinasabi o nagsisinungaling ang tao. Narito ang ilang hakbang para malaman mo kung siya ay nagsasabi ng totoo o hindi:

 Hindi makatingin ng diretso -  Sabi nga sa mga mata  makikita kung anong mayroon sa iyong kalooban. Ang isang taong nagsisinungaling ay mahirap makatingin ng diretso sa mata ng kanyang kausap. Makatingin man ay panay naman ang kurap nito. Ngunit dapat ka pa rin maging mapanuri dahil ang mga propesyunal na sinungaling ay kaya pa rin tu­mingin ng diretso sa mata ng kanyang kausap dahil alam niyang ikaw ay nagmamasid sa kanyang sinasabi.

 Hindi mapakali – May ilang taong sinungaling na kinakikitaan ng “stress” kapag sila ay kinakausap at hindi nagsasabi ng totoo. Maaa­ring siya ay nagkakamot ng ulo o mukha  o panay ang lunok kapag siya ay nakikipag-usap sa taong kanyang pinagsisinungalingan.

 Panay ang tingin sa kanan – Sa pag-aaral ang taong nagsisinunga­ling ay panay ang tingin sa kanyang kanang bahagi pataas. Ito ay dahil ang kanang bahagi ng utak ng tao ang gumagana para magkaroon ng imagination habang ang taong panay naman ang tingin sa kaliwang bahagi ay nagpupumilit na hagilapin sa kanyang memorya ang mga bagay na nangyari sa kanya sa mga nakalipas na oras.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ITO

KANYANG

MAAA

MAKATINGIN

MINSAN

NARITO

NBSP

NGUNIT

PANAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with