^

Para Malibang

Island of the undead (35)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAKOP na ng  napakatinding hilakbot  ang mag-asawang plastic surgeons—sina Larry at Joanne.

Napilitan silang lumulan sa karuwaheng nakakabit sa kabayong may pakpak. Nakikita na nila ang napakapangit na anyo ng dumudukot sa kanila.

Si Joanne ay para nang mawiwiwi sa takot, nais na ring himatayin.

Si Larry naman, biglang  sumakit ang tiyan, parang hindi titigil sa paghilab. Pinawisan siya nang malapot.

Samantala’y napansin sila ng mga taong nagdaraan, pati na mga nakasakay sa pampasaherong dyipni.

Buong akala ng mga ito, ang mga nasa karuwahe ay mga artista sa pelikula, na may eksenang sinu-shooting.

Bago pa man nakalipad ang karuwahe ay kay-dami nang mga nag-uusyoso.

Hindi sila natatakot sa anyo at itsura ng mga Undead, tinatawanan lang ang mga ito.

Napakagaling daw naman ng production designer, kapanipaniwala ang mga karakter pati na ang mga props.

“Teka-teka, bakit walang director?” tanong ng isang teener na cute, minsan nang nakasali sa isang pelikula  bilang extra.

Pero bago pa nasagot ang tanong na iyon, nakalipad na ang karuwahe, pumailanglang na sa himpapawid!

Noon na natakot nang husto ang mga nag-uus­yoso;  alam na tutoo na ang nagaganap, hindi eksena sa pelikula!

“Oh my God!”

“Totohanan na ‘to! Talagang nangyayari!”

Nagkuhanan ng mga larawan  ng karuwahe sa himpapawid ang mga nasa lupang mga usyoso!

Ilang foreign corres­pondents na nasa Manila ang nakasaksi sa mala-milagrong pangyayaring iyon.

Kinunan nila ng napakaraming footages ang awesome happening.

Napa-Sign of the Cross ang isang matanda.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUONG

ILANG

ITUTULOY

JOANNE

KINUNAN

MGA

NAPA-SIGN OF THE CROSS

SI JOANNE

SI LARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with