Bagong tips sa paglipat ng bahay
Pumili ka ng masuwerteng petsa—new moon. O, gamitin mo ang nalathalang artikulo tungkol sa Ang Buwan at ang Kapalaran ng Tao. Ito ang gamitin mong guide kung kailan ang masuwerteng araw.
Ilang araw bago ang petsa ng paglipat, ayusin na ang kitchen. Gawin ito sa masuwerteng araw. Tapos ay dalhin sa bahay ang bigas, asin at lahat ng pangsahog sa pagluluto. Ilagay ito sa kitchen. Gawin ito upang hindi kayo mauubusan ng pagkain kahit kailan.
Isabay na rin ang libro ng iyong mga anak para sa kanilang study luck.
Huwag din kalilimutan ang mga santo at pagse-set up ng altar. Kung may negative spirit sa bahay, aalis ang mga ito bago pa man kayo lumipat.
Sa mismong araw ng paglipat, bawat isa sa pamilya ay dapat na magbitbit ng masuwerteng bagay/lucky charm.
Maganda dapat ang mood ng lahat at pulos positive lang ang bibitawang salita.
Ang ama o ina ay maghahagis ng coins habang pumapasok sa bahay sabay sigaw ng positive affirmation kagaya ng: “Magiging masaya, mayaman at malusog tayo sa tahanang ito.”
Tatlong araw sindihan ang lahat ng ilaw tuwing gabi para umakit ng positive energy.
- Latest