^

Para Malibang

Ikakasal na pero binabalikan ng ex

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang akong Rosevie, 25. Ikakasal na po ako next year. May high school sweetheart po ako na mahal na mahal ko. Second year pa lang kami’y nagmahalan na kami hanggang makatapos ng high school. Pero hindi na kami nagkita noong college dahil nagpunta na sila ng pamilya niya sa Amerika. Nasaktan ako sa nangyari dahil kahit minsan ay hindi man lang siya sumulat. Nakatapos ako ng college at sa pinapasukan kong kumpanya nakilala ko ang bf ko ngayon. Mabait siya at natutuhan ko rin siyang mahalin. Pero mas mahal ko ang aking bf noon. Ngayong malapit na akong ikasal, nagulat ako nang may pumunta sa bahay namin. Ang dati kong bf. Dinalaw niya ako at gustong makipagbalikan. Nang tanungin ko kung bakit hindi man lang siya sumulat sa akin, humingi lamang siya ng tawad. Wala siyang explanation kung bakit. Umiiyak lang siya na humingi ng tawad. Naguguluhan ako ngayon. Mahal ko pa rin siya. Sinabi ko na ikakasal na ako pero kanselahin ko raw ang kasal at isasama niya ako sa Amerika. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Rosevie,

Kung tunay ang pagmamahal niya sa’yo, bakit siya lumayo at di ka man lang sinulatan? Maaaring matagal ang inyong relasyon at naging very close kayo sa isa’t isa. Pero alalahanin mo na may commitment ka na sa lalaking iyong pakakasalan. Mag-isip kang mabuti dahil isang puso ang iyong sasaktan. Kakanselahin mo ba ang iyong kasal sa lalaking nagmamahal sa iyo dahil lamang sa isang bf na nawalang parang bula at walang eksplanasyon kung bakit di man lang siya nagparamdam sa iyo ng maraming taon ng inyong paglalayo? Timbangin mo ang iyong damdamin at gumawa ka nang isang matalinong desisyon.

 

 

 

vuukle comment

AKO

AMERIKA

ANG

ANO

DEAR ROSEVIE

DEAR VANEZZA

DINALAW

IKAKASAL

LANG

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with