^

Para Malibang

Ang computer at ang matanda

Pang-masa

Sa  panahon ngayon na patuloy na tumataas ang uri ng teknolohiya, nahihirapan ang mga matatanda o “elderly” sa pagsabay dito.

Hindi naman dahil sa matanda na sila ay dapat na nga naman silang maiwan ng teknolohiya, dahil para  rin sa kanila ang mga bagong imbensiyon upang mapagaan ang mga bagay na mahirap lalo na sa mga tulad nila.

Mahalagang matutunan ng mga matatanda ang kahit na “basic” o karaniwang paggamit ng computer. Matutulungan kasi sila kung paano magbayad ng bills, pakikipagkomunikasyon sa mga mahal nila sa buhay, etc., sa mas madaling paraan kung alam nilang gumamit ng computer o gadgets ngayon. Narito ang ilang paraan upang maturuan mo at matulungan mo ang mga matatandang gaya nila:

Pasensiya – Ang pagtuturo sa mga matatanda ay mas mahirap pa kaysa sa pagtuturo sa mga bata. Kaya naman nangangailangan ng maraming pasensiya. Dapat ipakita mong madali kang kausapin at hindi nakakatakot pagtanungan.

Komportable sa harap ng computer -  Karaniwan na sa mga matatanda na makaramdam ng pagkapahiya kapag nasa harap na sila ng computer. Siyempre, ito ay dahil hindi nila alam gumamit ng computer. Kaya dapat mo naman silang bigyan ng lakas ng loob na busisiin ang computer na nasa harapan nila upang maalis ang kanilang kaba na maaari nilang masira ito. Hikayatin din sila na kaya pa nilang matuto nito sa kabila ng kanilang edad.

Respeto – Kahit pa ikaw ang kanilang instructor at sila ang iyong estudyante, magbigay ka pa rin ng respeto at gumamit ng mga salitang may galang sa kanila. Karaniwan lang sa mga matatanda na umasa na kahit pa sinong kaharap nila ay gagalangin sila. Maaari kang magpakita ng respeto sa kanila sa pamamagitan ng pagsasalita ng mahinahon at mabagal upang maintindihan ka nila. Ipakita mo rin na buong pagpapasensiya mo na ipinapakita sa kanila kung paano mag-explore sa computer.

ACIRC

ANG

COMPUTER

DAPAT

HIKAYATIN

IPAKITA

KAHIT

KARANIWAN

KAYA

MGA

NILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with