^

Para Malibang

Paano kung hindi ka magkaanak?

Pang-masa

Maraming dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng anak ang mag-asawa. Maaaaring wala kasi silang panahon at “desire” na gawin ito o ‘di kaya ay talagang may diperensiya sila kapwa o ang isa sa kanila. Anuman ang maging dahilan normal na  magkaroon ng negatibong emosyon ang mag-asawang nakararanas nito. Pero kung ganito ang inyong sitwasyon, kailangan ninyo itong tanggapin. Narito ang ilang paraan para mas maging magaan sa’yo ang pagtanggap ng ganitong uri ng katotohanan:

Ipahayag ang iyong damdamin – Tanggapin anuman ang iyong nararamdaman ga­ano man ito katotoo at kasakit. Maaari mo itong daanin sa pag-iyak, pagsigaw, pagsusulat, pagsasalita, o anumang uri ng ekspresiyon. Ang mahalaga ay nailabas mo ito para na rin sa ikagagaanan ng iyong kalooban.

Tanggapin ang katotohanan – Mahalagang tanggapin mo ang realidad ng buhay at ang sirkumstansiya nito. Kung alam mo sa iyong sarili na
hindi ka na maaaring magkaroon ng anak, dapat mo itong tanggapin para ikaw ay makapag-move-on sa iyong buhay. Kasama sa pagtanggap ay ang pagtingin  sa mga bagay na puwede mo pang gawin para mapaunlad ang iyong pagkatao o buhay. Tingnan mo na ang iyong hinaharap na wala kang makakasamang anak, kaya dapat ngayon pa lang ay mayroon ka ng plano para rito at anumang plano ito, tiyakin mong ito ay sa iyong ikabubuti
at maging masaya ka rito. Alisin mo na rin ang mga bagay na makapagpapaalala sa iyong “frustration” ng hindi pagkakaroon ng anak. Puwede mong itapon, ipamigay, o itago ang mga bagay na ginagamit ng mga sanggol o bata.

Panatilihin ang magandang kalusuga – Ang hindi pagkakaroon ng anak ay  hindi rin naman katapusan ng mundo para sa inyong mag-asawa, kaya nararapat lang na mamuhay ng normal at magkaroon ng magandang kalusugan.

ACIRC

ALISIN

ANG

ANUMAN

IPAHAYAG

IYONG

KASAMA

MAAAARING

MAAARI

MAHALAGANG

TANGGAPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with