Mas mabilis sumisid ang boy sperm ni manoy
Shettles method: X at Y Chromosome Sperm
Ang Y-chromosome sperm (boys) ay nadiskubreng mas maliit at mas mabilis kaysa sa female X-chromosome sperms.
Pero ang Y-chromosome sperm ay medyo mas mahina kaysa sa X-chromosome sperm. Mas mabilis na namamatay at maaaring hindi makatagal sa acidic environments (pH levels ng vagina).
Mabibilis ang boy sperm pero mas madali ang buhay.
Ang X-chromosome sperm (girls) ay mababagal ngunit mas matatag kaysa sa Y sperm. Ang X-chromosome sperm ay mas malalaki at nakatatagal sa vaginal environments kung saan ang pH levels ay mas acidic.
Ang vagina at cervical environments ay hindi na masyadong acidic bago mag-ovulation o habang nag-o-ovulation dahil sa presensiya ng cervical mucus.
Ang cervical mucus ay nakatutulong sa sperm sa paglangoy at para mas tumagal ang buhay. Binabawasan din ng cervical mucus ang acidity ng vagina at nakadadagdag sa alkaline pH levels para mas tumagal ang sperms.
Ang mga bagay na ito ay may malaking factor sa Shettles Method sa pagpili ng magiging kasarian ng inyong baby.
Suma tutal, ang boy sperm ay mabibilis pero madaling mamatay, ang girl sperm ay mabagal pero mas tumatagal.
Ayon sa Shettles method, ang vagina environments, sexual positions, at timing ng intercourse (tinitiyempo sa ovulation) ay makatutulong sa x o y sperms base sa mga katangian ng sperms. Kailangan din alamin ang petsa ng ovulation dahil mahalaga ito sa paggamit ng Shettles method kung boy o girl ang gustong maging anak.
Ito ang ating tatalakayin sa susunod na kolum. (Source wikipidea.com, ovulation-calculator.com, fertility.com, babycenter.com)
- Latest