Alam n’yo ba? Alam
Alam n’yo ba na mayroong dalawang uri ng elepante? Ito ay ang African at Asian elephant. Lumalabas sa survey na ikinamamatay ng mga elepante ang kanilang pangil o tusk, ito ay dahil sa illegal na pagpatay sa kanila para makuha ang tusk na ito. Ikinokonsidera rin na isa ang elepante sa pinakamatalinong hayop sa mundo dahil sa pagkakaroon ng magaling na memorya. Kilala rin ang hayop na ito sa pagkakaroon ng mahusay na “emotional bond” sa bawat isa. Nakikitang nagdadalamhati ang elepante kapag nakitang sugatan ang kapwa nito. Tumatagal ang buhay ng isang elepante ng hanggang 50-70 anyos at namamatay dahil sa paghina at pagkabungi ng kanilang ngipin. Dahil dito ay mawawalan na sila ng gana kumain hanggang sa mamatay sa gutom.
- Latest