Kung iinom ka ng lemon araw-araw (1)
Mula sa paggising mo sa umaga, kailangan mo ng bigyan ng atensiyon ang iyong kalusugan. Dapat ka ng gumawa ng paraan kung paano mare-“refresh” ang mga cells at iba pang bahagi ng katawan. Isang paraan upang matulungan mo ang iyong katawan na hindi masira ang mga body tissues at cells nito ay sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig na mayroong lemon sa loob ng isang taon. Oo, tama ang pagkakabasa mo, isang taon kang dapat na uminom ng tubig na mayroong hiniwang lemon upang mapangalagaan mo ng mas maayos ang iyong katawan. Narito ang magiging epekto nito sa iyong katawan:
Makokontrol ang pH balance ng katawan – Ang lemon ay maituturing na tipikal na “alkaline food”. Bagama’t ito ay may acidic properties kapag nakain mo na, mahusay naman itong pambalanse ng acid sa katawan.
Pantunaw ng pagkain – Kapag pakiramdam mo ay punung-puno ang iyong tiyan at tila hindi ka lagi natutunawan, uminom lang ng maligamgam na tubig na may lemon. Iingatan nito ang iyong digestive tract mula sa mga toxins, lalo na kung araw-araw kang iinom nito.
Nakakapagpakinis ng kutis – Ang mga maititim at kulubot na bahagi ng iyong balat, lalo na sa mukha ay maaaring maalis mula sa makukuhang bitamina C sa lemon. Kapag madumi kasi ang dugo, naaapektuhan nito ang iyong balat, kaya malilinis mo ito sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig na may lemon araw-araw.
- Latest