^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (48)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGDESISYON ang makinista ng tren. Hindi na niya pipigilin ang napakahabang sasakyan.

Itinodo pa nga ang bilis at lakas ng takbo ng tren. Kumpletong tuloy ng silbato. BWUUUT. BWUUUT. BWUUUT.

Oras ng katotohanan. Sino ang mananalo? Sino ang matatalo? Ang higanteng gorilya o ang super-habang tren?

Nakabukaka pa rin paharap sa tren ang nakaupo sa riles na giant gorilya. Ang tatlong iba pa ay nanonood sa mangyayari sa kasama.

Dalawang malalakas na ingay ang namayani. Ang atungal ng higante at ang ingay ng tren sa riles.

IYAAAH. TSUG-TSUG-TSUG.

Ang higanteng gorilya ay tinamaan sa maselang bahagi ng pagkalalaki nito. Nabasag iyon na parang hilaw na itlog!

Nangisay agad ang giant, nakaladkad, namatay din agad!

Hindi makapaniwala ang tatlo pang giant gorilya. Kitang-kita nila na patay na ang kasama.

“BURURUBURUU!” sabi ng tatlo, ewan kung ano ang ibig sabihin. Sarili nila itong lengguwahe bilang gorilya.

Sa pelikulang “Planet of the Apes,” itong tungkol sa language barrier ng tao at gorilya ang hindi naresulusyunan.

Pero ang katotohanan na patay na ang isang higanteng goril­ya ay nagdudumilat.

Galit na hinila ng tatlong giants ang patay nang kasama. Sinisisi nila ang kagaguhan nito sa riles.

SA NAKATAGONG batis sa gubat, naniningkit sa galit si Shirya sa pagkamatay ng isa sa apat niyang higante.

Napakatalim ng kanyang mga mata. Hindi siya sanay tumanggap ng kabiguan. Merong sinag na kumawala sa kanyang mga mata.

Tumama iyon sa puno ng acacia, agad na nagliyab. Natupok ng apoy ang buong puno.

Hindi humupa ang galit ng diwatang hubad. Nagsisigaw. “AAAHHH-AAAHHH!” Sinabunutan ang sarili. (ITUTULOY)

DALAWANG

GALIT

GORILYA

ITINODO

KITANG

KUMPLETONG

MERONG

PLANET OF THE APES

SINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with