^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (44)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA TAPAT nga ng Cinerama sa Quezon Boulevard, sa malaking uka sa main road, naglitawan ang apat na higanteng gorilya.

Kaydami agad nakaing tao ang mga ito, mga sidewalk vendors at ilang kotong cops.

Run for your life na ang mga tao sa paligid. Yumayanig ang lupang tinatapakan ng mga nagwawalang higante ng diwatang si Shirya.

DAG. DAG. DAG. DAG.

Tatlong tindahan sa tapat ng UST ang natapakan, napisot nang husto. Posibleng may mga tao rito na nangamatay.

Nagkabuhul-buhol na ang trapiko, nakulong ang mga sasakyang hindi na makausad dahil nawalan na ng direksiyon kung saan pupunta.

 Ewan kung naaliw ang mga higanteng gorilya sa nagtatakbuhang mga estudyante; walang ideya na nagpa-panic na ang mga kabataan.

Pumasok sa UST grounds ang mga higanteng gorilya. Nagsiupo sa lupa, nanood sa mga nagsisitakas na estudyante.

 Isang gorilya ang nandakma ng isang magandang coed na nakapalda, mula sa college of music.

Parang laruang itiniwarik ito ng higante, upside down. Nagsisigaw ang dalagita bago hinimatay.

Tuloy sa paglalaro sa dalagita ang playful giant. Hinubaran ng damit at palda ang magandang coed.

Pati na ang mga huling saplot ng teener ay inalis. Kawawang-kawawa ang dalagita, mabuti na lamang at hindi pa natatauhan.

WANG-WANG-WANG-WANG.

Dumating mula sa isang side-street ang mga awtoridad, ang plano ay bulabugin ng ingay ng  wang-wang ang mga higanteng gorilya.

 Nabulabog nga, sabay-sabay na susugod ang mga ito sa wang-wang patrol. Ang hubad na coed ay mahimalang inilapag lamang sa lupa, ligtas. Isang nagmamalasakit na nanay ang nagtapi rito ng kumot.

 Natauhan na ang dalagita, nag-iiyak sa kahihiyang inabot. “Hu-hu-hu-hu”.

Samantala’y nataranta sa paghahanap ng kaligtasan ang wang-wang patrol, malapit na silang abutan ng mga higanteng gorilya.

 “Abandon!” sigaw ng lider. Kanya-kanya nang takbo. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

DUMATING

EWAN

GORILYA

HINUBARAN

HU

ISANG

QUEZON BOULEVARD

WANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with