^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (43)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HABANG nasa dagat ang mga wala na yatang kamatayang mga higanteng gorilya, at inuubos na ang mga taong lulan ng barko, isang grupo ng mga scientists ang naglabas ng siguradong pamuksa sa mga kaaway ng mundo.

Isang uri ito ng powdered chemical na kapag pinatama sa mga kaaway, tiyak na malulusaw ang mga ito; mabubura sa ibabaw ng mundo.

Hindi na mabubuhay kailanman ang target, posible nga lamang madadamay ang mga tao at halaman at hayop sa tinatawag na radiation fall-out. Wala itong kaibahan sa nangyari sa Nagasaki at Hiroshima noong World War II. Daang libong mga tao ang nangamatay nang walang kalaban-laban.

Kung gayo’y dapat na ngang sampulan ng bagong powdered wea­pon ang mga higanteng gorilya,  habang ang mga ito ay nasa dagat.

Madadamay ang mga isda at lamang-dagat pero ito’y itutu­ring na lamang bilang collateral damage.

Nagbotohan ang mga nagkakaisang bansa ng mundo. Halos nagkaisa ang lahat—dapat na talagang  masubukan sa mga higanteng gorilya ang bagong sandata ng mga scientists.

Pero nasaan na ba sa karagatan ang mga higanteng gorilya? Wala ang mga ito sa Philippine Deep.

Wala rin sa Mindanao Sea. Ang mga tumutugis na helicopter ay wala nang paghanapan. Nakara­ting na kaya ang mga  ito sa ibang bansa?

SA QUIAPO  area sa Manila, ang lupa sa palibot ng Quiapo Church ay yumanig. Parang nilindol ang lugar.

Sa tapat ng Cinerama nauka ang main road, specifically ang Quezon Boulevard.  Gumuho ang lupa sa gitna ng kalye.

Kasunod ay nagsilabas sa malaking uka ang apat na higanteng gorilya! Mas mababagsik ngayon ang mga ito.

Sampung tao agad ang nilamon! Karamihan ay mga tindera ng laruan sa sidewalk. Nadamay din ang tatlong kotong cops.

Kanya-kanyang takbo sa kaligtasan ang mga tao. Maraming passenger jeepneys ang nabalaho; marami rin ang mga nagkabanggaan.

KRASSH. BRAANNG.

Kaydaming nasaktan, nasugatan sa pagka­kagulo. (Itutuloy)

DAANG

MINDANAO SEA

PHILIPPINE DEEP

QUEZON BOULEVARD

QUIAPO CHURCH

WALA

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with